top of page
bg tab.png

Angat MPS Custodial Facility, Nagpatupad ng "Online Bisita"


Alinsunod sa mga alituntunin ng Patrol Plan 2030, nagpatupad ang Angat Municipal Police Station ng programang "Online Bisita" para sa mga Persons Under Police Custody (PUPC) nitong Martes, Hunyo 16, 2026, simula ganap na 9:30 ng umaga patuloy.


Ang makabagong inisyatiba sa loob ng Angat Custodial Facility ay pinangasiwaan ni Police Corporal (PCpl) Rham Anderson T. Reyes, Custodial Officer, sa ilalim ng pamumuno ni Police Major (PMAJ) Joel M. Alba, Acting Chief of Police (ACOP) ng Angat MPS, at katuwang ang Bulacan Police Provincial Office (PPO).


Sa pamamagitan ng mga video call sa Messenger at regular na tawag sa telepono, nabigyan ng pagkakataon ang mga pamilya at kamag-anak ng mga PUPC na makita, makausap, at kumustahin ang kanilang mga mahal sa buhay.


Ang aktibidad na ito ay nagsisilbing alternatibong paraan ng pagbisita gamit ang social media, partikular na para sa mga pamilyang malalayo ang tirahan o walang kakayahang pumunta nang personal sa himpilan. Layunin nito na panatilihin ang ugnayan sa pamilya upang maitaguyod ang mental na kalusugan at mataas na moral ng mga detinado habang sila ay nasa ilalim ng kustodiya ng batas.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page