Angat MPS at Rescue Team, Rumesponde sa Aksidente sa San Roque; Paalala sa mga Rider, Muling Inilabas
- Angat, Bulacan

- Jan 3
- 1 min read

Isang aksidenteng kinasangkutan ng sasakyan ang mabilis na nirespondehan ng mga awtoridad sa interseksyon ng Himlayan, Brgy. San Roque, nitong gabi ng ika-2 ng Enero, 2026.
Bandang alas-11:00 ng gabi nang magtungo sa lugar ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Jayson M. Viola (OIC), katuwang ang Angat RESCUE Team, ATMO, at mga BPATs/Barangay Tanod. Agad na binigyan ng tulong ang biktima upang masiguro ang kaligtasan nito.
Bunsod ng insidenteng ito, muling nagpaabot ng mahigpit na babala ang Angat MPS sa mga motorista, partikular na sa mga motorcycle riders. Binigyang-diin ng kapulisan ang kahalagahan ng sumusunod:
Pag-iwas sa mabilis at mapanganib na pagmamaneho (reckless driving).
Pagsusuot ng standard helmet upang maiwasan ang malalang pinsala sa ulo.
Pag-iwas sa pagmamaneho nang nakainom ng alak.
Laging pagdadala ng lisensya at mga legal na dokumento ng sasakyan (OR/CR).








Comments