Angat MENRO, Nakiisa sa Pagdiriwang ng World Wildlife Day 2026
- Angat, Bulacan

- Mar 3
- 1 min read

Bilang bahagi ng pandaigdigang pagkilala sa kahalagahan ng mga hayop at halaman, nakiisa ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Angat sa pagdiriwang ng World Wildlife Day nitong ika-3 ng Marso, 2026.
Ang pagdiriwang ngayong taon ay nakatuon sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa preserbasyon ng mga endangered species at ang pangangalaga sa mga likas na yaman na nagsisilbing tirahan ng iba’t ibang uri ng wildlife sa bayan ng Angat. Binigyang-diin ng MENRO na ang mayamang ekolohiya ng ating bayan ay isang kayamanang dapat pakaingatan para sa mga susunod na henerasyon.









Comments