Angat MDRRMO, Patuloy sa Pagsusulong ng Kahandaan sa Lindol para sa Handa, Ligtas at Panatag na Bayan
- angat bulacan
- Oct 14
- 1 min read

Angat, Bulacan — Nakiisa ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa isinagawang earthquake preparedness activity na pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government – Region III, bilang bahagi ng patuloy na kampanya sa kaligtasan ng komunidad.
Dumalo sa aktibidad si G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), kung saan binigyang-diin ang mga hakbang upang palakasin ang kahandaan ng mga komunidad sa harap ng panganib na dulot ng lindol.
Hindi tumitigil ang Angat MDRRMO sa pagpapatupad ng mga programa at aktibidad sa disaster preparedness, lalo na para sa lindol at bagyo. Kabilang sa mga regular na isinasagawa ng opisina ay:
Earthquake drills sa mga paaralan at institusyon
Information and Education Campaigns (IEC) para sa tamang paghahanda
Barangay consultations upang suriin at palakasin ang lokal na kahandaan
Layon ng mga aktibidad na ito na maisakatuparan ang isang Handa, Ligtas, at Panatag na Bayan, sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng bawat sektor ng komunidad.
Para sa mga emergency, maaaring tumawag sa Angat MDRRMO Hotline:📞 0923-926-3393📞 0917-710-5087









Comments