Angat MDRRMO, Nakikipag-ugnayan na para sa Kaligtasan ng Undas 2025
- angat bulacan
- Oct 31
- 1 min read

Angat, Bulacan — Nagsimula nang mag-ikot ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa mga sementeryo sa bayan bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng tao para sa Undas 2025.
Pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO) ang koordinasyon sa Pulisya ng Angat upang higit pang patatagin ang ugnayan at masiguro ang kapayapaan at kaligtasan ng publiko habang ginugunita ang Araw ng mga Yumao.
Kasabay nito, naka-deploy na ang Angat Rescue Team sa mga pangunahing sementeryo upang magbigay ng medical assistance kung kinakailangan. Narito ang mga lugar kung saan naka-istasyon ang mga rescue personnel:
Old Angat Public Cemetery (Paang Bundok) – Himlayan ng Lahi
New Angat Public Cemetery
Donacion Public Cemetery
Pinaalalahanan din ang publiko na sumunod sa mga itinakdang alituntunin para sa isang ligtas, handa, at panatag na paggunita ng Undas.
Para sa anumang emergency, maaaring tumawag sa Angat Rescue Hotline:📞 0923-926-3393📞 0917-710-5087









Comments