Angat MDRRMO, Nagsagawa ng Konsultasyon sa Barangay Laog para sa Pagpapatibay ng BDRRM Plan at Risk Assessment
- angat bulacan
- Sep 4
- 2 min read

Angat, Bulacan — Bilang bahagi ng pagpapatibay ng kahandaan sa sakuna sa antas-barangay, nagtungo ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Barangay Laog upang talakayin ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) Fund, Community Risk Assessment 2024, at BDRRM Plan.
Layunin ng aktibidad na ito na mapatibay ang kakayahan ng bawat komunidad sa pagtugon sa mga kalamidad at mapahusay ang tamang paggamit ng pondo para sa mga programang pangkaligtasan sa barangay.
Pagpapakita ng Aktibong Partisipasyon
Personal na dumal o at namuno sa konsultasyon si Kapitan Paterno Manayao ng Barangay Laog, kasama ang mga miyembro ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC).
Ipinresenta ni Kapitan Manayao at ng kanyang konseho ang mga resulta ng kanilang risk assessment, kabilang ang mga lugar na may mataas na antas ng panganib at mga kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang mga residente.
Ang pagtitipon ay ginanap sa bagong Barangay Hall ng Barangay Laog, na nagsilbing lugar ng talakayan at pagpaplano para sa mas matatag na sistema ng disaster preparedness sa barangay.
Patuloy na Pagsuporta ng Pamahalaang Bayan
Ayon sa MDRRMO, ang ganitong mga konsultasyon ay bahagi ng malawakang inisyatiba ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamumuno ni Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista, Punong Bayan at MDRRM Council Chairman, upang matiyak na bawat barangay ay may konkretong plano, sapat na pondo, at malinaw na direksyon pagdating sa disaster risk reduction and management.
Patuloy ang MDRRMO sa pagbibigay-gabay at teknikal na tulong sa lahat ng barangay ng Angat upang makamit ang layuning “Handang Barangay, Ligtas na Bayan.”
“Sa tulong ng pagkakaisa at maayos na pagpaplano, mas nagiging matatag ang bawat Angateño sa harap ng kalamidad.”









Comments