top of page
bg tab.png

Angat, Host ng EDDIS-6 Athletic Meet


Sa nagdaang Eddis 6 Athletic Meet na ginanap sa Fortunato F. Halili National Agricultural School, nanguna ang Angat District bilang nagsilbing host sa ilalim ng pamumuno ni Bb. Angelita Baltazar, Tagamasid Pampurok. Ang nasabing programa ay nagbigay daan sa pagpapamalas ng kahusayan sa larangan ng sports at pagpapakita ng magandang pakikipag-ugnayan ng bawat mag-aaral sa kanyang kapwa manlalaro.


Matagumpay na ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang husay at dedikasyon sa iba't ibang laro, na nagbigay kulay at saya sa buong pagsasagawa ng athletic meet.


Sa pagtatangi sa edukasyon at sports, hindi nagpahuli ang ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, na aktibong nakibahagi sa nasabing programa. Kasama rin sa mga dumalo sina Cong. Salvador Pleyto, Norma P. Esteban, edD, CESO V (School Division Superintendent), mga district supervisors, school heads, at mga trainors, na nagbigay suporta sa mga kabataan.

4 views0 comments

Recent Posts

See All
Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page