top of page
bg tab.png

Angat at Walo pang Bayan sa Bulacan, Isinailalim sa Orange Rainfall Warning dahil sa Habagat


Initaas sa Orange Warning Level ang bayan ng Angat at ilang karatig-lugar sa Bulacan dahil sa patuloy na pag-uulang hatid ng pinalakas na Hanging Habagat (Enhanced Southwest Monsoon).


Batay sa Heavy Rainfall Warning No. 27 na inilabas ng PAGASA-NCR PRSD at ibinahagi ng MDRRMO Angat ngayong hapon, Agosto 8, 2026 (2:00 PM), direktang threatened o banta ang matinding pagbaha sa mga bayan ng Angat, San Rafael, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Bustos, Pandi, Santa Maria, at Lungsod ng San Jose del Monte.


Bukod sa Bulacan, nakapailalim din sa kaparehong babala ang mga lalawigan ng Rizal, Batangas, Laguna, Zambales, Quezon, at Pampanga.


Dahil sa panganib ng pagbaha, mahigpit na pinapayuhan ng MDRRMO Angat ang publiko at ang mga lokal na tagapangasiwa ng sakuna na patuloy na mag-abang at mag-monitor sa mga susunod na ulat-panahon.


Samantala, nagpaalala rin ang pamahalaang lokal sa mga mamamayan na sakaling magkaroon ng emergency, agad na tumawag sa Angat Rescue Hotline:

  • Smart/Sun: 0923-926-3393

  • Globe: 0917-710-5087

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page