top of page
bg tab.png

ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA SAN ROQUE BYPASS ROAD

ree

Nagbigay ng pahayag ang ating punong bayan, Igg. Reynante "Jowar" Bautista tungkol sa usapin kaugnay ng pagsasaayos ng San Roque Bypass Road, lalo't kasalukuyan ding ginagawa at hindi madaan ang tulay ng Sta. Cruz-Encanto.


Ayon kay Mayor Jowar, may usaping legal na kinakaharap sa lupang dinaanan ng Bypass Road dahil ito ay pagmamay-ari pa rin ng mga pribadong indibidwal at hindi pa nakapangalan sa Pamahalaang Bayan. Gumawa ng aksyon ang pamahalaang bayan upang makipag-ugnayan sa mga legal na may-ari ng mga lupang dinaanan ng proyekto upang maisaayos ang mga usapin dito.


Maliban dito, batay sa pagtataya ng mga eksperto ay mangangailangan ng P50 milyong pondo upang lubos na maisaayos ang San Roque Bypass Road, hala na sa kasalukuyan ay hindi kakayanin ng pondo ng pamahalaang bayan.


Sa huli, nagbigay ng garantiya si Mayor Jowar na lulutasin ang suliranin sa pinakabilis na panahon at hiniling ang mas malawak na pang-unawa ng ating mga mamamayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page