AMDRHS Dancing Angels, Nag-uwi ng Karangalan sa Singkaban Festival 2026

Muling naghatid ng karangalan sa Bayan ng Angat ang AMDRHS Dancing Angels mula sa Barangay Pulong Yantok matapos nilang masungkit ang back-to-back 2nd Runner Up sa ginanap na Singkaban Festival 2026 Sayawan sa BUFFEX Hiphop Dance Contest.
Isinagawa ang naturang kompetisyon noong Setyembre 1, 2026, sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Lungsod ng Malolos, kung saan naglaban-laban ang iba't ibang mahuhusay na grupo ng mananayaw mula sa buong lalawigan.
Ipinahayag ng Municipal Tourism Office ng Angat ang kanilang pagmamalaki at pasasalamat sa grupo sa pagpapakita ng natatanging talento, disiplina, at kahusayan ng kabataang Angateño sa pampublikong entablado.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang tagumpay ng grupo mula sa Angel M. Del Rosario High School ay nagpapatunay sa husay at galing ng mga lokal na talento na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa buong bayan.










Comments