Ama ng Brgy. San Roque, Ipinagdiwang ang Kanyang Kaarawan; Pagbati at Panalangin, Bumuhos
- Angat, Bulacan

- May 26
- 1 min read

Umuulan ng pagbati at mainit na pagmamahal para kay Kapitan Nerio Santiago Valdesco, ang Ama ng Barangay San Roque, sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Nanguna sa pagpapadala ng mensahe ang buong Sangguniang Barangay ng San Roque kasama ang mga residenteng boluntaryo ng komunidad. Sa kanilang pagbati, ipinaabot ng grupo ang kanilang taos-pusong panalangin na patuloy itong pagkalooban ng Poong Maykapal ng malusog at malakas na pangangatawan, pati na rin ng patuloy na pagpapala sa kanyang pamumuno.
Ang buong barangay ay nagkakaisa sa pagpapasalamat sa dedikasyon at serbisyong ipinamamalas ni Kap. Valdesco para sa ikabubuti at ikauunlad ng bawat pamilya sa San Roque. Muli, isang maligayang kaarawan, Kapitan!









Comments