top of page
bg tab.png

'A Voice for Good Governance' Session, Gaganapin sa Pagbubukas ng Boys’ and Girls’ Week 2026


Inihayag ng Angat Local Youth Development Council (LYDC Angat) ang gaganaping talakayan na pinamagatang "A Voice for Good Governance" bilang bahagi ng pagbubukas ng Boys’ and Girls’ Week 2026 bukas, Setyembre 7, 2026, sa Angat Municipal Gymnasium.


Tampok sa naturang aktibidad ang pagdalo ng isang natatanging panauhin na magbabahagi ng kanyang kaalaman, karanasan, at pananaw sa larangan ng pamumuno, pampublikong paglilingkod, at tapat na pamamahala.


Layunin ng LYDC Angat na magbigay ng pagkakataon sa mga kabataan na makinig, matuto, at magkaroon ng inspirasyon ukol sa mahalagang papel ng kabataan sa pagsusulong ng pagbabago at good governance.


Inaanyayahan ang mga kabataang Angatenyo na makilahok sa talakayang ito upang sama-samang palawakin ang kaalaman at palakasin ang boses ng kabataang may malasakit, paninindigan, at layuning maglingkod sa komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page