Sa pangunguna ni G. Carlos R. Rivera Jr. (MDRRMO), nagtipon ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council para sa kanilang 1st Quarterly Meeting sa Municipal Conference Room. Kasama sa agenda ang mga sumusunod:
1. Pagbasa at aprobasyon ng huling quarter meeting.
2. Accomplishment Report:
a. Disaster Prevention and Mitigation
b. Disaster Preparedness
c. Disaster Response
3. Mga Susunod na Proyekto, Programa, at Aktibidad.
4. Weather Update para sa 2nd quarter ng 2024.
5. El Niño Watch.
6. Resulta ng Gawad Kalasag Assessment.
Dumalo sa aktibidad sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Kon. William Vergel De Dios, Kon. Blem Cruz, kasama ang mga miyembro ng MDRRMC, kinatawan ng Civil Society Organizations (CSO), miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Angat Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Administrator Noel Alquino, at ilang pinuno mula sa iba't ibang tanggapan ng pamahalaang bayan.
Ang naturang pagtitipon ay naglalayong patuloy na mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan sa pagharap sa mga hamon ng kalamidad at pagpapalakas ng kaligtasan sa ating komunidad.
Comments