top of page
bg tab.png

500 Food Packs Mula kay Sen. Joel Villanueva, Ibinahagi sa Bayan ng Angat



Sa ngalan ng Pamahalaang Bayan ng Angat, amin pong ipinaaabot ang aming lubos na pasasalamat kay Sen. Joel Villanueva at kanyang mga kawani sa pangunguna ni G. Chris Sarmiento sa pagbabahagi ng 500 food packs sa ating munisipalidad. Ang tulong na ito ay magsisilbing isang sinag ng pag-asa sa dinaranas ng ating komunidad sa epekto ng nagdaang Bagyong Egay at Habagat.


Nakakataba ng puso na masaksihan ang walang sawang pagsuporta upang iangat ang ating komunidad sa panahon ng krisis. Muli, ipinapahayag namin ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong ibinahagi sa amin.


6 views0 comments

Opmerkingen


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page