5 Kabataan ng Barangay Niugan, Nabiyayaan ng BBMP Scholarship Assistance

Matagumpay na naipamahagi ang tulong-pinansyal na nagkakahalaga ng ₱20,000 bawat isa sa limang (5) piling mag-aaral sa kolehiyo mula sa Barangay Niugan sa ilalim ng programang Bagong Pilipinas Presidential Scholars – Bawat Barangay Makikinabang (BBMP).
Ang natanggap na scholarship assistance ng bawat scholar ay nakalaan bilang malaking suporta sa kanilang pang-akademikong pangangailangan upang maipagpatuloy at maitawid ang kanilang mga pangarap sa kolehiyo.
Ipinahayag ng Sangguniang Barangay ng Niugan ang kanilang patuloy na suporta sa mga kabataan at sa lahat ng mga programang nagbibigay ng oportunidad para sa edukasyon at pagtataguyod ng magandang kinabukasan sa komunidad.
Nagpaabot din ng taos-pusong pagbati ang pamunuan ng barangay sa mga bagong iskolar, kasabay ng panawagan na magsilbi sanang inspirasyon ang natanggap na tulong upang lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga layunin sa buhay.










Comments