4th Regular Session para sa Taong 2026, Matagumpay na Idinaos ng SB Niugan
- Angat, Bulacan

- Feb 16
- 1 min read

Upang masigurong tuloy-tuloy ang paghahatid ng tapat at epektibong serbisyo sa komunidad, matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Barangay ng Niugan ang kanilang Ikaapat na Regular na Session para sa taong 2026 ngayong ika-16 ng Pebrero.
Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga miyembro ng konseho upang pag-usapan ang mga mahahalagang usapin at planong nakatuon sa kapakanan ng mga residente.
Ayon sa pamunuan ng Niugan, ang regular na session na ito ay mahalaga upang mapanatili ang Transparency at Accountability sa lokal na pamamahala. Binigyang-diin ng konseho na ang bawat desisyon at resolusyong nabubuo ay dumaan sa masusing pag-aaral para sa ikabubuti ng lahat.
Sa pagtatapos ng session, muling tiniyak ng Sangguniang Barangay ang kanilang buong suporta sa mga programa ng munisipyo at ang kanilang dedikasyon na maglingkod nang may integridad para sa mas progresibong Barangay Niugan.









Comments