top of page
bg tab.png

4th Quarter Joint Meeting ng MPOC at MADAC, Isinagawa


Pinangunahan ni MLGOO Carla Marie T. Alipio ang 4th Quarter Joint Meeting ng MPOC at MADAC na idinaos sa Municipal Conference Hall. Sa pagtitipon, ibinahagi ng Angat PNP at ANGAT BFP ang kanilang mga accomplishment report at proyekto ng huling quarter ng taong 2023. Tinalakay naman ng mga delegado mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kasalukuyang kalagayan ng seguridad sa ating lalawigan. Samantala, ibinigay ni MADAC Focal Person Aldwin John Fajardo ang mga datos hinggil sa mga kaso ng droga mula Oktubre hanggang Nobyembre. Kasama rito ang mga naitalang report ng drug cases sa probation/court kasama ang mga sumailalim sa drug dependency examination.


Dumalo sa pulong ang mga opisyal ng bayan na sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Kon. William Vergel De Dios, Kon. Wowie Santiago, Kon. Andrew Tigas, Kon. Darwin Calderon. Kasama rin ang mga Punong Barangay ng Angat at ilang mga pinuno ng tanggapan ng Pamahalaang Bayan.


Layon ng pagtitipon na ito na paigtingin ang seguridad, kaayusan at katahimikan sa bayan ng Angat upang masiguro ang kapakanan at kaayusan ng mga mamamayan.

3 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page