Pinangasiwaan ng ating MSWDO Menchie Bollas ang ika-45 na Moving Up Ceremony na may temang “Batang ECCD: Batang kay Galing, Kinabukasan Tiyakin” na ginanap noong Hunyo 5, 6, at 7 sa Angat Municipal Gymnasium. Ang seremonya ay nilahukan ng 22 Child Development Center na may kabuuang bilang na 905 daycare students.
Dinaluhan ang programa ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga miyembro ng Sanggnuniang Bayan, at mga punong barangay. Lubos ang pasasalamat ng pamahalaang lokal sa mga daycare teachers sa kanilang dedikasyon at husay sa pagtuturo sa mga bata.
Ayon kay Mayor Jowar Bautista, "From tiny seeds, grow mighty trees." Lagi niyang iniisip na sa bawat batang tinuturuan araw-araw, nagtatanim tayo ng mga kaalaman at kasanayan na makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Dagdag pa niya, ang tamang edukasyon ay hindi dapat sa paraan ng pagdidikta ng mga teorya mula sa aklat. Bagkus, nararapat lamang na magbigay tayo ng kondisyon upang hikayatin ang mga bata na magsikap matuto, tuklasin ang mga bagay, at magkaroon ng mga bagong kaalaman.
Comentários