4-Day First Aid at BLS Training Isinagawa ng Angat DRRMO sa SEPAR Environmental Corp.
- angat bulacan
- Nov 1
- 1 min read

Angat, Bulacan — Pinangunahan ng Angat Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ang apat na araw na Standard First Aid at Basic Life Support (BLS) Training na may kasamang Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) at Automated External Defibrillator (AED) sa SEPAR Environmental Corporation.
Ang pagsasanay ay pinangasiwaan nina Ma. Lourdes Alborida (LDRRMO III), Maria Lilibeth Trinidad (LDRRMO II), at ng mga instruktur mula sa Angat Rescue Team na sina Sir Jerico Emmanuel Saligao, Sir Carlo Steven L. Atienza, Sir Marvin Gab, at Sir Criz Santiago. Nakatuon ito sa iba't ibang aspekto ng First Aid, kabilang ang mga pangunahing hakbang sa pagtugon sa mga emerhensiya.
Tinalakay sa training ang mga sumusunod na paksa:
Maagang pagtugon sa emergencies
Check, Call, and Care procedure
CPR at paggamit ng AED
Breathing emergencies
Sudden illness at iba pang medical emergencies
Ang pagsasanay ay isinagawa bilang tugon ng MDRRMO sa kahilingan ng kompanya, sa koordinasyon ng Punong Bayan ng Angat, Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista, bilang bahagi ng layuning masiguro ang kahandaan at kaligtasan ng bawat empleyado sa oras ng sakuna o aksidente.
Sa huling araw ng training, nagsagawa ng simulation exercise ang mga kalahok bilang praktikal na aplikasyon ng kanilang mga natutunan. Binigyan din sila ng sertipiko ng pagtatapos bilang patunay ng kanilang kakayahan sa pagbibigay ng paunang lunas gamit ang kaalaman sa Standard First Aid, BLS, CPR, at AED.









Comments