top of page
bg tab.png

3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill


Nakiisa ang mga guro, kawani, at mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Angel M. Del Rosario sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, ika-08 ng Setyembre, 2022, araw ng Huwebes.


Mula sa organisadong mga pila ng mga mag-aaral, preparadong mga kawani, at disiplinadong mga estudyante, ay kapansin-pansin ang mas maayos at mas mabilis na daloy ng isinagawang drill.


Layunin ng nasabing aktibidad na magbigyang kaalaman ang bawat isa sa mga bagay na dapat nilang gawin sa oras ng lindol.


Sa pangunguna ng ating DRRM Coordinator na si Ma'am Jackilyn N. Langcasan, sa tulong ng mga guro at ng Municipal Disaster Risk Reduction Office ay matagumpay na naisagawa ang drill.


Bilang pagwawakas, inihayag ni Sir Eliseo C. Dela Cruz, Punong Guro ng AMDRHS, na mahalaga ang pakikiisa sa mga ganitong gawain at mabuting ibahagi ang natutunan sa iba.


4 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page