MDRRMO Angat, Naglabas ng Opisyal na Health Institutions Directory para sa Kaligtasan ng Publiko
- Angat, Bulacan

- Jan 22
- 1 min read

Upang mas mapabilis ang pagtugon sa mga medikal na pangangailangan at emerhensya, inilabas ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Angat ang komprehensibong directory ng mga Health Institutions sa bayan.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng kampanyang “Handa, Ligtas, at Panatag na Angateño,” kung saan layuning bigyan ang bawat pamilya ng sapat na kaalaman kung saan lalapit sa oras ng pangangailangan. Kasama sa listahan ang mga pampublikong pasilidad gaya ng Angat Rural Health Center (Lying-In Clinic) sa Sta. Cruz at ang bagong Super RHU sa Taboc, pati na rin ang mga pribadong ospital at klinika gaya ng TwinCare Hospital at Health Central.

Ayon sa MDRRMO, ang pagkakaroon ng mga contact numbers na ito sa inyong mga mobile phone o naka-paskil sa loob ng tahanan ay isang mahalagang hakbang sa pagiging handa. Ang programang ito ay suportado ng administrasyon ni Mayor Jowar Bautista sa ilalim ng adbokasiya ng asenso at reporma sa serbisyong pangkalusugan at kaligtasan.









Comments