3rd Quarter Barangay Risk Assessment Meeting, Matagumpay na Isinagawa sa Brgy. Niugan
- Angat, Bulacan

- Jul 6
- 1 min read

Matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Barangay ng Niugan ang kanilang 3rd Quarter Barangay Risk Assessment Meeting bilang bahagi ng patuloy na paghahanda at pagpapalakas ng kaligtasan ng buong komunidad.
Sa nasabing pagpupulong, inilahad ng bawat barangay kagawad ang kasalukuyang kalagayan ng kani-kanilang nasasakupang purok at tinalakay ang mga posibleng panganib at suliraning maaaring kaharapin sa bawat lugar.
Layunin ng gawaing ito na matukoy nang maagap ang mga potensyal na banta sa kaligtasan at makapaglatag ng mga angkop na hakbang upang maiwasan o mabawasan ang epekto nito sa mga residente.
Muli namang tiniyak ng Pamahalaang Barangay ng Niugan na patuloy silang magiging handa, maagap, at responsable sa pagpapatupad ng mga programang magpapanatili sa seguridad at katatagan ng buong barangay.









Comments