39 na Taong Dedikasyon sa Pagtuturo: Teacher Crispina Joaquin, Pinarangalan ng Brgy. Sulucan
- Angat, Bulacan

- Jun 2
- 1 min read

Isang pormal at taos-pusong pagpupugay ang inihandog ng pamunuan ng Barangay Sulucan para kay Teacher Crispina Cruz Joaquin, bilang pagkilala sa kanyang humigit-kumulang 39 na taon ng tapat at makasaysayang paglilingkod sa Sulucan Child Development Center.
Sa pamamagitan ng isang espesyal na pagtitipon, iginawad ng Sangguniang Barangay ng Sulucan, sa pamumuno ni Punong Barangay Richard Castro Cruz, ang isang Sertipiko ng Pagpapahalaga (Certificate of Appreciation) kay Teacher Crispina. Ang parangal na ito ay patunay ng kanyang hindi matatawarang ambag at sakripisyo para sa edukasyon ng mga batang Sulucanyos.
Sa loob ng halos apat na dekada, naging pundasyon si Teacher Crispina sa paghubog ng kaisipan at magandang asal ng mga kabataan sa barangay, na ngayon ay mga propesyunal at produktibong mamamayan na ng lipunan.









Comments