top of page
bg tab.png

2nd Quarter Joint MPOC at MADAC Meeting


Pinangunahan ni MLGOO Carla Marie T. Alipio ang 2nd Quarter Joint MPOC and MADAC Meeting na isinagawa sa ating Municipal Conference Hall.


Sa daloy ng programa unang nagbahagi ng kanilang accomplishment report ng ating kapulisan na ginampanan ni Police Captain Juan Cunanan. Tinalakay naman ng kinatawan ni Lt. Col Ronel Dela Cruz ang patungkol sa kalagayan ng seguridad sa ating lalawigan. Pagkatapos nito ay sinundan naman ni F/Insp Cenon Palileo para ibahagi ang mga datos patungkol sa mga naisakatuparang gampanin ng BFP.


Nag-ulat din ang ating MSWDO Menchie M. Bollas ng kanilang report gayundin ang partisipasyon ng kanilang tanggapan sa mga programang may kinalaman sa ilegal na droga.


Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Kon. William Vergel De Dios, Kon. Darwin Calderon, mga Punong Barangay ng bayan ng Angat, Angat PNP, Angat BFP, ating mga kasama sa AFP, at mga Pinuno ng Tanggapan ng Pamahalaang Bayan.


Layunin ng pagpupulong na ito na mas lalong paigtingin ang kaayusan, katahimikan at seguridad ng bawat mamamayan sa ating munisipalidad.


5 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page