1,000 Mag-aaral, Target na Mabigyan ng Libreng School Supplies sa Brgy. Niugan
- Angat, Bulacan

- Jun 3
- 1 min read

Isang magandang balita para sa mga magulang at mag-aaral ang hatid ng PTG Para Ti Global, katuwang ang Sangguniang Barangay ng Niugan, sa ilulunsad na Libreng School Supplies Program ngayong darating na Hunyo 7, 2026 (Linggo).
Gaganapin ang pamamahagi sa Barangay Niugan Covered Court at opisyal na magsisimula sa ganap na 9:00 ng umaga.
Ang programang ito ay eksklusibong nakalaan para sa unang 1,000 mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6. Paalala ng pamunuan na ipatutupad ang First Come, First Served basis, kaya naman pinapipila at pinapupunta nang maaga ang mga nais makabahagi.
Layunin ng PTG at ng lokal na pamahalaan ng barangay na maging kaagapay ng mga pamilya sa paghahanda sa darating na pasukan, pati na rin ang bawasan ang gastusin ng mga magulang sa mga kagamitang pang-eskwela.









Comments