Weekly Clean-Up Drive sa Pagsasara ng Oktubre, Isinagawa sa Sta. Cruz

Isinagawa ng pamunuan ng Barangay Sta. Cruz ang kanilang huling Weekly Clean-Up Drive para sa buwan ng Oktubre ngayong Oktubre 31, 2026.
Nagtulong-tulong ang mga opisyal at residente sa paglilinis ng mga pampublikong daanan, kanal, at mga pampublikong lugar upang panatilihing maayos at ligtas ang kapaligiran laban sa mga peste at banta ng karamdaman.
Nagpaabot ng pasasalamat ang Barangay Sta. Cruz sa lahat ng mamamayang patuloy na nakiisa at nagpakita ng kooperasyon sa lingguhang aktibidad para sa kalinisan ng komunidad.
Ayon sa pamunuan ng barangay, ang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng mga ganitong linis-baranggay ay patunay ng dedikasyon ng pamayanan sa pagtataguyod ng isang malinis at ligtas na kapaligiran para sa bawat pamilya.










Comments