top of page
bg tab.png

Weekly Clean-Up Drive, Muling Isinagawa sa Barangay Sta. Cruz


Ipinagpatuloy ng Pamahalaang Barangay ng Sta. Cruz ang kaniyang adbokasiya para sa malinis at ligtas na kapaligiran matapos nitong muling isagawa ang Weekly Clean-Up Drive ngayong Hulyo 11, 2026.


Ang regular na gawaing ito ay nakatutok sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga pampublikong lugar at pagbawas sa mga banta sa kalusugan ng mga residente.


Nagpaabot ng pasasalamat ang Sangguniang Barangay ng Sta. Cruz sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras para sa lingguhang bayanihang ito.


Muling pinaalalahanan ng pamunuan ang mga residente na panatilihin ang tamang pagtatapon at paghihiwalay ng basura sa kani-kanilang mga kabahayan upang manatiling malinis, maayos, at ligtas ang buong Barangay Sta. Cruz.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page