top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Angatenyo, Sama-Samang Magtanim ng Puno


Inang kalikasan mahalin; Pagtatanim ng Puno pagyamanin.


Ang pagsasagawa ng tree planting ay nakakatulong upang magbigay kamalayan sa mga mamamayan na bigyang halaga ang pagtatanim ng mga punong kahoy, at mapangalagaan ang inang kalikasan.


Alam niyo ba, habang lumalaki ang mga puno, nakakatulong sila na pigilan ang pagbabago ng klima sa pamamagitan ng pag-alis ng carbon dioxide sa hangin, iniimbak ang carbon sa mga puno at lupa, at naglalabas ng oxygen sa atmospera. Ang mga puno ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa atin araw-araw. Nagbibigay sila ng malamig na lilim, humaharang sa malamig na hangin sa taglamig, umaakit ng mga ibon at wildlife, nililinis ang ating hangin, pinipigilan ang pagguho ng lupa, nililinis ang ating tubig, at nagdaragdag ng biyaya at kagandahan sa ating mga tahanan at komunidad.


Ang pagtatanim ng mga punong kahoy ay nagsisilbing proteksyon sa atin sa mga iba't ibang posibleng dadating na mga sakuna katulad ng global warming, baha, pag-guho ng lupa at marami pang iba. Ito din ay labis na mahalaga sa mga hayop dahil ito ay nagsisilbing tahanan at lilim nila.


Hindi lang yan ang mga layunin ng tree planting, kundi nakakatulong ito upang makapagbigay ng oxygen upang tayo ay makahinga, nagbibigay ito ng mga prutas upang tayo ay makakain ng mga masustansyang pagkain. At nakakatulong ito na mabawasan ang pag- guho ng lupa dahil sa sumisipsip ito ng tubig baha.


Nararapat lamang na bigyan natin ito ng pagpapahalaga at iwasan ang mga gawain na nagbibigay ng masamang epekto sa mga puno upang hindi mangyari ang mga sakuna. Ang pagtatanim ng kahoy o mga puno ay malaking tulong din sa mga manananim upang magkaroon ng magandang relasyon sa isa't isa at makabuo ng pagkakaibigan.


Kaya ang kagawaran ng MENRO kasama ang buong Bahay Pamahalaan ng Angat ay hinihikayat ang abwat isa sa ganitong mga programa at mga kauri pa nito upang tayo ay makatulong sa daigdig at magkaroon ng ambag para sa kapakanan ng kalikasan at mamamayan.


2,647 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page