top of page
bg tab.png

Ulan, Hindi Hadlang sa Makulay na Parada ng mga Karosa sa GulayAngat Festival 2025


ree

ANGAT, BULACAN — Hindi napigilan ng buhos ng ulan ang sigla at kasiyahan ng mga Angatenyo sa opening salvo ng GulayAngat Festival 2025, kung saan tampok ang Parada ng mga Karosa na nagpakitang-gilas ang iba’t ibang barangay sa kanilang malikhaing likha. 🌿🎉


Sa kabila ng maulang panahon, masiglang nagmartsa ang mga kalahok sa kalsada, dala ang kani-kanilang makukulay, makasining, at tematikong karosa na kumakatawan sa kultura, agrikultura, at pagkakaisa ng Bayan ng Angat.


Kasalukuyang papalapit na sa Angat Municipal Hall ang mga kalahok na karosa upang husgahan at itanghal kung aling barangay ang makakasungkit ng titulo ng Pinakamagandang Karosa ng GulayAngat Festival 2025.


Tunay na sa kabila ng ulan, walang makapipigil sa diwa ng pagkakaisa at pagdiriwang ng mga Angatenyo — dahil sa GulayAngat, lagi tayong ANGAT sa saya, sining, at pagkakaisa! 💚🌽

Recent Posts

See All
Feedback Para sa GulayAngat Festival

Nagpaabot ng pasasalamat ang Municipal Tourism Office sa lahat ng nakikiisa at sumuporta sa matagumpay na isinagawang GulayAngat Festival. Bilang paghahanda at upang mas mapaganda at mas mapaayos ang

 
 
 

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page