Skills Training in Handicraft Making (Plastic Wrapper Upcycling)
- Angat, Bulacan

- Aug 5
- 1 min read

What: Skills Training in Handicraft Making (plastic wrapper)
When: August 5, 2025, 1:00 PM
Where: Municipal Conference Hall
Participants: Adorable Ladies of Angat, Bulacan (ALAB)
Isinagawa ang isang makabuluhang pagsasanay sa paggawa ng handicraft gamit ang mga plastic wrapper na nilahukan ng mga miyembro ng Adorable Ladies of Angat, Bulacan (ALAB).
Layunin ng pagsasanay na turuan ang mga kalahok kung paano makagagawa ng mga produktong kapaki-pakinabang mula sa mga nagamit na plastic sachet gaya ng kape, shampoo, balat ng chichirya, at iba pa. Sa pamamagitan nito, hindi lamang nakatutulong ang mga kababaihan sa pagbawas ng basura at pangangalaga ng kalikasan, kundi nagkakaroon din sila ng karagdagang pagkakakitaan.
Bukod sa paggawa ng mga bag, pitaka, at iba pang gamit mula sa recycled plastic, ang mga pinagtabasang maliliit na piraso ay ginugupit nang pino at inilalagay sa mga plastic bottle upang maging eco-bricks, na maaari ring ibenta at gamitin bilang alternatibong materyales.
Sa kabuuan, ang programang ito ay hindi lamang tungkol sa paglikha ng kabuhayan, kundi higit sa lahat ay nagsisilbing hakbang tungo sa mas sustainable na pamumuhay at mas responsableng pamamahala ng basura.
Hangad ng Pamahalaang Bayan na mas marami pang mamamayan ang maengganyo sa ganitong gawain na tunay na nakatutulong sa kabuhayan at kapaligiran.









Comments