top of page
bg tab.png

Run for a Cause 2026, Gaganapin sa Pres. Diosdado P. Macapagal Memorial High School para sa Rehabilitasyon ng School Gym

Aug 3
1 min read

Inaanyayahan ang buong pamayanan na makiisa sa PDPMMHS Run for a Cause 2026 na gaganapin sa Sabado, Agosto 29, 2026, mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga sa Pres. Diosdado P. Macapagal Memorial High School Campus.


Ang nasabing fun run ay naglalayong magtaguyod ng kalusugan at aktibong pamumuhay habang naglikom ng pondo para sa rehabilitasyon at pagpapabuti ng gymnasium ng paaralan. Ang lahat ng kikitain sa aktibidad ay ilalaan upang makapagbigay ng mas maayos at ligtas na pasilidad para sa mga mag-aaral.


May tatlong kategorya ang takbo na pwedeng pagpilian: 3KM Fun Run, 5KM Challenge Your Limits, at 7KM Push Beyond. Ang registration fee ay ₱250 para sa regular runners at ₱200 naman para sa mga mag-aaral at senior citizens. Hinihikayat ang lahat na sumali at maging bahagi ng pagbabago sa bawat hakbang.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page