top of page
bg tab.png

Police Visibility sa mga Commercial Area, Pinalakas ng PNP Angat Laban sa Krimen

Aug 20
1 min read

Nagsagawa ng foot patrol at pagbisita sa mga commercial area ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) ngayong Agosto 20, 2026, bandang 8:53 ng umaga.


Sa ilalim ng direktang pamamahala ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police ng Angat MPS, nagpatrolya ang kapulisan at binisita ang 7-Eleven Convenience Store na matatagpuan sa Barangay Sta. Cruz, Angat, Bulacan.


Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, maiwasan ang anumang gawaing kriminal tulad ng pagnanakaw o pangingikil, at tiyakin ang kaligtasan ng mga customer at empleyado ng mga negosyo sa bayan.


Ayon sa PNP Angat, ang patuloy na pagpapakita ng presensya ng kapulisan sa mga pampublikong pasilidad at komersyal na lugar ay malaking tulong upang mapigilan ang kriminalidad at mapatibay ang kapanatagan at seguridad ng buong komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page