Police Presence sa Sto. Cristo Covered Court, Isinagawa ng PNP Angat at Barangay Tanod

Nagsagawa ng police presence at pagpapatrolya ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa ginanap na larong basketball sa Barangay Sto. Cristo, Angat, Bulacan ngayong Agosto 15, 2026.
Isinagawa ang aktibidad sa Sto. Cristo Covered Court sa ilalim ng direktang pamamahala ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police ng Angat MPS. Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, maiwasan ang anumang gulo o kriminalidad, at tiyakin ang kaligtasan ng mga manlalaro at manonood sa naturang palaro.
Ayon sa kapulisan, ang aktibong pagpapakita ng presensya ng pulisya at mga barangay tanod sa mga pampublikong kaganapan ay malaking tulong upang pigilan ang anumang banta ng kaguluhan at magbigay ng mas mataas na antas ng kapanatagan at seguridad sa buong komunidad.










Comments