PhilSys Step 2 Registration Gaganapin sa Evacuation Center sa Oktubre 30
- angat bulacan
- Oct 29
- 1 min read

EVACUATION CENTER — Oktubre 29, 2025. Inanunsyo ng lokal na pamahalaan na isasagawa ang PhilSys Step 2 Registration bukas, Huwebes, Oktubre 30, 2025, mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM sa Evacuation Center.
Bukas ito para sa mga nais magparehistro para sa Philippine National ID System (PhilSys), gayundin sa mga may katanungan o nais magpa-assist sa proseso. Hinikayat ang publiko, lalo na ang mga hindi pa nakakapagparehistro, na samantalahin ang pagkakataong ito.
Mga Kailangan Dalhin:
Para sa mga batang edad 0–4 taong gulang:
Orihinal na birth certificate ng bata
ePhilID o PhilID ng magulang o awtorisadong kasama para sa PSN linking
Para sa mga edad 5–17 taong gulang:
Orihinal na birth certificate (mula sa Local Civil Registry, NSO, o PSA)
School ID
ePhilID o PhilID ng magulang o awtorisadong kasama para sa PSN linking
Para sa mga nasa legal age:
Magdala ng alinman sa mga sumusunod na valid ID o dokumento:
Barangay ID
Driver’s License
UMID
Pasaporte
PhilHealth ID
Birth Certificate at 1 ID (gaya ng 4Ps ID, TIN, lumang SSS ID, o School ID) kung hindi kasal
Marriage Certificate at 1 ID (gaya ng 4Ps ID, TIN, lumang SSS ID, o Senior Citizen ID) kung kasal
Voter’s Certificate
Layunin ng programang ito na maisama ang mas maraming Pilipino sa pambansang sistema ng pagkakakilanlan, na magagamit sa iba’t ibang transaksyon sa gobyerno at pribadong sektor.









Comments