Pamunuan at Residente ng Barangay Niugan, Muling Nagkaisa sa Clean-Up Drive
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Muling ipinamalas ng Barangay Niugan ang diwa ng bayanihan sa isinagawang Clean-Up Drive ngayong araw,
May 30, 2026.
Pinangunahan ng Sangguniang Barangay kasama ang mga boluntaryong mamamayan ang paglilinis sa mga pangunahing daanan, mga pampublikong espasyo, at mga daluyan ng tubig upang mapanatiling ligtas, maayos, at malayo sa sakit ang buong komunidad.
Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng barangay sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa programang ito, at muling nakiusap sa bawat pamilya na panatilihin ang kalinisan sa tapat ng kani-kanilang tahanan araw-araw.








Comments