top of page
bg tab.png

PAMANA NG KASAYSAYAN: BALIKAN ANG NAKARAAN SA CASA FLORDELIZA

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Maglakbay pabalik sa nakaraan sa Casa Flordeliza de Angat at Santos-Fernandez Ancestral House o mas kilala sa tawag na Casa Flordeliz na itinayo noong 1888. Ang bahay ay tinatayang136-taong gulang na itinayo ni Cabezang Maximo ”Imong” Villarama- Fernandez at ng kanyang asawa na si Adelaida ”Ima Idang” Mendoza-Fernandez na matatagpuan sa Brgy. Marungko, Angat, Bulacan.


Dito makikita ang naipreserbang istruktura ng loob at labas ng bahay na may mga lumang kagamitan. Malaking kahalagahan sa kasaysayan at kultura ng lugar ang Casa Flordeliza. Nagsisilbi itong mga buhay na alaala ng nakaraan, na nagbibigay-daan sa mga susunod na henerasyon na maunawaan at pahalagahan ang kanilang pinagmulan.


Ang mga istrukturang kagaya ng Casa Flordeliza ay nagtataglay ng mga kuwento ng mga pamilya at ng komunidad, na nagpapakita ng mga tradisyon, arkitektura, at pamumuhay noong sinaunang panahon.

40 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page