Pamamahagi ng Motorcycle Spare Parts & Accessories Retailing Package sa Angat TODA Federation
- Angat, Bulacan

- Jul 6
- 1 min read

Ipinamahagi sa 17 asosasyon na kabilang sa Angat TODA Federation ang mga Motorcycle Spare Parts & Accessories Retailing Package. Ang pamamahaging ito ay bunga ng pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng kanilang Integrated Livelihood Program, kasama ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Layunin ng programang ito na bigyan ng panibagong oportunidad ang mga miyembro ng TODA sa bayan ng Angat upang makapagsimula ng sariling tindahan ng motorcycle spare parts, accessories, at vulcanizing service. Isa itong mahalagang hakbang upang makatulong sa pangangailangan ng mga drayber sa kanilang pamamasada at upang makapagbigay ng dagdag na kita.
Personal na pinangunahan ang pamamahagi ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama si DOLE Assistant Regional Director at OIC ng DOLE Bulacan, Alejandro Inza Cruz, mga kawani mula sa DOLE, at si OIC PESO Daizerina Pascual.









Comments