top of page
bg tab.png

Pagbubukas ng GulayAngat Festival 2023


“Pangalawang taon napo natin itong ipinagdiriwang at ako naman po ay talagang overwhelmed ang aking katuwaan at kasiyahan dahil sinamahan nyo ako upang ipakita sa bayan ng Angat na may pinapakita tayong pagbabago at pamamaraan upang makilala ang ating bayan. Ngayon may pagkakakilanlan na ang ating bayan pag dating sa festival, hindi katulad nung araw mukang tanging Angat nalang ang walang festival sa buong lalawigan ng bulacan ngayon may matatawg na tayong Gulay Angat Festival na ipinagdiriwang natin taon taon tuwing buwan ng Oktubre”. -Mayor Jowar Bautista

Sa isang makulay na motorcade at caravan, opisyal na binuksan ang ika-340 Gulayangat Festival. Ito'y naging espesyal sa pamumuno ni Mayor Jowar Bautista na masayang ipinaabot ang kanyang pasasalamat sa mga taga-bayan sa pagtangkilik sa festival na nagpapakita ng pagbabago at kakayahan ng Angat.


Naging bahagi rin ng motorcade ang mga delegasyon mula sa iba't ibang barangay kung saan nagkaroon ng Parada ng Karosa, Laro ng Laking GulayAngat at ang mga Hari at Reyna mula sa iba't ibang mga barangay.


Ang Barangay Pulong Yantok sa pamumuno ni Kap. Renato San Pedro ang nag-uwi ng unang gantimpala sa Parada ng Karosa at sinundan ng Barangay Sulucan sa pangalawang pwesto. Barangay Marungko naman ang nakakuha ng pangatlong pwesto. May premyo na nagkakahalaga ng 50,000 para sa unang pwesto, 40,000 para sa pangalawang pwesto at 30,000 para sa pangatlo. Nagkamit rin ng 10,000 ang mga hindi pinalad manalo.

Matapos ang Parada ng Karosa, isinagawa sa Municipal Gymnasium ang Opening Ceremony ng Gulayangat Festival. Kasunod nito ay naganap ang mga laro tulad ng Patintero, Agawan ng Buko, Palo Sebo, Karera ng Sako, Hilahang Lubig, Sepak takraw, dama, at Sungka na isinagawa sa Franklin Delano Roosevelt Memorial School.


Ang buong programa ay pinangunahan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga Sangguniang Bayan Members, Vice Gov. Alexis Castro, at Bokal Jay De Guzman.


21 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page