Matagumpay ang naging Public Hearing ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue District Office No. 25B-East Bulacan para sa “Proposed Revised Zonal Value of Real Properties” sa mga bayan ng Angat, Doña Remedios Trinidad, Marilao, Norzagaray, Obando, San Ildefonso, San Miguel, San Rafael, Santa Maria, mga siyudad ng Meycauayan at San Jose Del Monte.
Ginanap ang Public Hearing sa Klir Waterpark Resort and Hotel, Guiguinto, Bulacan. Ang programa ay sinimulan ng Assistant Regional Director na si Mrs. Corazon R. Balinas, at mensahe mula sa Regional Director na si Mr. Gerry O. Dumayas. Sinundan din ito ng STCRPV Vice Chairperson, Assistant RDO 25B East Bulacan- Atty. Nina Diana U. Federizo para sa pagkilala sa mga miyembro ng committee sa real property valuation.
Isa sa mga dahilan ng pagbabago sa Zonal Value sa East Bulacan ay ang anim na taon na delay sa pagtaas nito. Ang revision sa Zonal Value ay inaasahang makakatulong sa paglaki ng koleksyon o ang hinahangad na “revenue growth” ng gobyerno na siya naman ding magiging dagdag pondo para sa mga gagawin pang proyekto ng pamahalaan.
Paglilinaw pa ng BIR RDO 25B, sa kasalukuyan ang Zonal Value na sinusunod nila ay mula pa sa Department Order No. 014-2018 noong 2018 revision, at kung aaraling mabuti ay masyado ng mababa kumpara sa ibang mga karatig na bayan.
Ayon na rin sa Section 4 of Republic Act No. 10963, ang pagbabago sa Zonal Value ay ginagawa tuwing ika-tatlong taon. Lumalabas na ang East Bulacan ay huli na nang anim na taon kaya naman sinasabing makatuwiran ang magiging pagtataas nito.
Ang nasabing Public Hearing ay dinaluhan ng ating kagawad mula sa Pulong Yantok na si Mr. Carlito de Jesus at mga kawani ng ating pamahalaan mula sa Tanggapan ng Tagatayang Pambayan (Municipal Assessor’s Office).
Sa ngayon ay hinihintay nalang natin ang siguradong petsa kung kailan maipatutupad ang pagbabago na ito.
Bình luận