top of page
bg tab.png

Opisyal na Pahayag: PNP Angat Nagbigay-linaw Ukol sa Kaduda-dudang Basura sa PDMMHS

Aug 26
1 min read

Nagpalabas ng opisyal na statement ang Angat Municipal Police Station (PNP Angat) upang bigyang-linaw ang ulat ukol sa natagpuang inabandonang basurang naglalaman ng kaduda-dudang pakete sa loob ng bakuran ng President Diosdado Macapagal Memorial High School sa Angat, Bulacan.


Ayon sa kapulisan, agad na nagpadala ng mga tauhan ang Angat MPS upang siyasatin at harangan ang nasabing lugar matapos matanggap ang ulat mula sa pamunuan ng paaralan. Sa tulong ng mga dalubhasa at matagumpay na inspeksyon, siniguro ng PNP Angat na kontrolado ang sitwasyon at walang banta sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng eskwelahan.


Nanawagan ang PNP Angat sa publiko na manatiling kalmado, iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon sa social media na nagdudulot ng takot, at agad ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kaduda-dudang bagay o kilos sa kanilang lugar.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page