top of page
bg tab.png

Nutrition Office, Isinagawa ang Breastfeeding IEC at Dietary Supplementation sa Apat na Barangay sa Angat

Sep 12
1 min read

Matagumpay na isinagawa ng Municipal Nutrition Office ang Breastfeeding Awareness Month Information Education Campaign (IEC) noong ika-24 ng Agosto 2026 sa mga Barangay ng Taboc, Donacion, Paltok, at Niugan.


Dala ang temang "Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthening What Works," layunin ng kampanya na palakasin ang kaalaman ng mga pamilya ukol sa wastong nutrisyon at sa mahalagang papel ng pagpapadedeng-ina sa kalusugan ng mga ina at ng kanilang mga anak.



Kasabay ng nasabing oryentasyon, opisyal ding inilunsad ang pagpapamahagi ng Dietary Supplementation para sa mga buntis at nutritionally at-risk pregnant women.


Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagtutok ng lokal na pamahalaan sa tinatawag na "First 1000 Days" ng sanggol upang masiguro ang tamang kalusugan at paglaki nito mula sa sinapupunan.


Ayon sa Nutrition Office, ang mga programang ito ay naglalayong gabayan ang bawat pamilyang Angateño sa paggawa ng tamang desisyon para sa pagbuo ng mas malusog at mas masiglang komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page