National Dengue Awareness Month
- Angat, Bulacan
- Jun 20
- 1 min read

Ngayong nagsimula na ang tag-ulan, mas tumataas ang panganib ng dengue. Kaya’t maging alerto, maagap, at maingat!
Sintomas ng Dengue:
-Lagnat na 2 araw o higit pa (40°C pataas)
-Matinding panghihina at pananakit ng katawan
-Pagsusuka
-Pagdurugo ng gilagid o ilong
-Pagkakaroon ng pantal
Mga Dapat Gawin:
Linisin ang kapaligiran at tanggalin ang naipong tubig sa mga lata, gulong, paso, at bote
Takpan ang mga lalagyan ng tubig
Magsuot ng damit na may mahabang manggas at pantalon
Gumamit ng mosquito repellant
Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center kung may sintomas
Sa panahon ng ulan, alagaan ang kalusugan.
Comments