
Patuloy ang pagkilos ng lokal na pamahalaan sa Barangay Encanto sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan sa mga residente. Sa tulong ng mga katuwang na organisasyon, isinagawa kamakailan ang isang malawakang medical mission sa GK Enchanted Farm na naging benepisyaryo ang 394 kabarangay mula sa Encanto.
Kabilang sa mga serbisyong naibigay ay ang libreng konsultasyong medikal, ECG, X-ray, at blood chemistry test, sa ilalim ng pangunguna ng One Life, sa pamumuno ni Niño Namoco. Nakibahagi rin ang Anakalusugan Partylist sa pangunguna ni Cong. Ray Reyes sa nasabing programa.
Sa kabuuan ng programa, nagsagawa rin ng house visits sa 17 na kabarangay na walang kakayahang dumalo, kabilang ang mga senior citizens. Sila ay pinagkalooban ng assistive devices tulad ng wheelchairs at food packs, isang hakbang na nagpakita ng malasakit ng pamahalaang lokal sa kanilang mga pangangailangan.
Malaki ang pasasalamat ng pamahalaang lokal sa Sangguniang Barangay ng Encanto sa pangunguna ni Kap. Crisostomo Garcia at sa mga doktor at dentista na nakatuwang sa programa, kabilang sina:
• Dra. Marivic Rimando Abelardo
• Dra. Monette Del Rosario Melencio
• Dr. Primo de Guia
• Dr. Andre Gabriel Punsalan mula sa Angat Eye Clinic.
Ang mga programang tulad nito ay isang patunay ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaang lokal na maabot at matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan, lalo na ang mga nasa pinakamahirap na kalagayan.
Comments