Sa buong mundo, ang breast cancer ang pinakakilala at pinakamaraming naitatalang uri ng cancer. Pilipinas ang nangunguna sa Southeast Asia sa pagkakaroon ng ganitong uri ng sakit. Tinatayang 3 sa 100 Filipina ang prone sa breast cancer na nasa edad 75 pababa. Gayunpaman, ang early detection at intervention ay susi para malagpasan ito. 99% ang tyansa na magamot ito kung maagapan.
Sa pakikipagtulungan ng Kasuso Foundation - Philippine Foundation for Breast Care Inc at ng tanggapan ni Vice Governor Alex Castro, nagkaraoon tayo ng awareness campaign patungkol dito. Dinaluhan ito ng mga Barangay Health Workers, Solo Parent at 4PS mula sa ating bayan at ng Norzagaray.
Labanan natin ang breast cancer nang magkakasama. Kung kailangan ng malalim na kaalaman at suporta, maaaring kontakin ang mga sumusunod:
📞 Bulacan Medical Center
(044) 791 0630
Para sa libreng konsultasyon sa oncologist:
Oncology Unit, Miyerkules at Biyernes 10AM – 1PM
📞 Aruga - Support Group for Cancer Survivors
Jose R Reyes Memorial Medical Center
Rizal Avenue, Sta. Cruz Manila, Philippines
Tel No. (63) 2 711-6930
Ms. Delia B. dela Cruz, Medical Oncology Section Secretary
Bumuo tayo ng isang komunidad na mulat sa ganitong uri ng karamdaman.
Comments