Monthly Meeting ng Barangay Tanod, Isinagawa sa Barangay Sulucan
- Angat, Bulacan

- Jul 31
- 1 min read

Isinagawa ng Pamahalaang Barangay ng Sulucan ang regular na Barangay Tanod Monthly Meeting para sa buwan ng Hulyo nitong Hulyo 30, 2026.
Ang naturang pagpupulong ay naglalayong patuloy na palakasin ang seguridad, paigtingin ang pagpapanatili ng kapayapaan, at suriin ang mga usaping pangkatahimikan sa bawat purok ng barangay.

Nagpaabot ng pasasalamat ang Pamahalaang Barangay ng Sulucan sa buong puwersa ng Barangay Tanod sa kanilang walang-sawang sakripisyo, puyat, at dedikasyon sa pagbabantay sa kaligtasan ng buong nasasakupan.
Ayon sa pamunuan, ang regular na koordinasyon at pagkakaisa ng mga tanod ang mananatiling pundasyon ng isang ligtas, tahimik, at maunlad na Barangay Sulucan.









Comments