Mga Opisyal at Residente ng Barangay Sta. Cruz Nagtulong-tulong sa Paglilinis

Muling nagkaisa ang pamunuan at mga residente ng Barangay Sta. Cruz sa ginanap na Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, Agosto 22, 2026.
Ipinagpatuloy ng barangay ang regular na gawaing ito upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas sa mga sakit ang buong komunidad.
Naging pangunahing pokus sa paglilinis ang pagsugpo sa mga perwisyong lamok na nagdadala ng dengue sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga nakaimbak na tubig at basurang pwedeng paitlogan ng mga ito.
Bukod dito, nilinis din ang mga kanal at estero para sa maayos na agos ng tubig upang maiwasan ang pagbaha, kasabay ng pagwawalis sa mga pangunahing kalsada at pampublikong daanan sa barangay.
Patuloy na nagpapaalala ang Sangguniang Barangay ng Sta. Cruz sa lahat ng pamilya na panatilihin ang kalinisan sa kani-kanilang bakuran para sa kalusugan at kaligtasan ng buong pamayanan.










Comments