MENRO Angat, Sta. Clara – Wika Beton JV, at Barangay Encanto, Nagkaisa sa Tree Planting Activity

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO Angat) sa pakikipagtulungan ng Sta. Clara – Wika Beton JV at ng Pamahalaang Barangay ng Encanto noong Setyembre 11, 2026.
Isinagawa ang naturang pagtatanim ng mga puno kaugnay ng pagdiriwang ng "50 Years of Service, Commitment, Integrity & Character", bilang simbolo ng patuloy na dedikasyon sa pangangalaga sa kalikasan at sa komunidad.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng sektor ng pamahalaan, pribadong kompanya, at ng barangay, naglayong mag-iwan ng positibo at pangmatagalang bakas ang aktibidad para sa kalikasan.
Patuloy na isinusulong ng MENRO Angat at ng Pamahalaang Bayan ang mga proyektong tulad nito upang tiyakin ang mas luntian, maayos, at sustainable na kinabukasan para sa buong bayan ng Angat.











Comments