top of page
bg tab.png

MDRRMO Angat, Nagbigay Suportang Medikal sa Labor Day Run 2026


Matagumpay at naging ligtas ang idinaos na Labor Day Run 2026 ngayong umaga sa tulong ng suportang medikal na ibinigay ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Angat.


Ang nasabing aktibidad ay pinamahalaan ng Angat Road Runners bilang paggunita sa Araw ng mga Manggagawang Pilipino, at nagsilbi ring fund-raising project para sa mga mag-aaral at paaralan sa Bayan ng Angat.


Sa pakikipag-ugnayan ng Angat Road Runners sa tanggapan ng MDRRMO Angat, sa pangunguna ni Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), naging maayos ang pag-deploy ng Angat Rescue Team at mga medikal na kagamitan.



Upang matiyak ang kaligtasan ng mga kalahok, nagtalaga ang grupo ng mga tauhan sa iba't ibang estasyon sa kahabaan ng 10-kilometer at 5-kilometer na ruta, pati na rin sa starting line, para sa mabilis na pagresponde.


Naging matagumpay ang kaganapan dahil na rin sa pakikipagtulungan ng iba't ibang ahensiya at Civil Society Organizations (CSOs) na kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Angat Local Youth Development Council (ALYDC)

  • Angat Rural Health Unit & Lying-In Clinic

  • BFP R3 Angat Fire Station - Bulacan

  • Pulisya ng Angat

  • Angat Kalusugan Association Inc.


Nagpaabot din ang lokal na pamahalaan ng mainit na pagbati at pasasalamat sa lahat ng mga kalahok na tumakbo para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino at para sa edukasyon ng kabataang Angatenyo.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page