MDRRMO Angat at BFP, Nakiisa sa Ginanap na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Nakiisa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Bayan ng Angat sa pagsasagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw, Nobyembre 5, 2026, sa ganap na ika-9:00 ng umaga.
Katuwang ang BFP R3 Angat Fire Station - Bulacan, matagumpay na ikinasa ang pagsasanay sa Angat Super Rural Health Center at sa bagong bahay-pamahalaan ng Barangay Taboc.
Aktibong nakiisa sa ebalwasyon at mga pagsasanay ukol sa lindol ang mga kawani at empleyado ng pamahalaan, maging ang mga pasyenteng kasalukuyang nasa pasilidad nang magsimula ang pagsasanay.
Ipinaalala ng MDRRMO Angat sa pampublikong sektor na ang pagyanig ng lupa ay walang pinipiling oras o araw, kaya't napakahalagang manatiling handa, ligtas, at panatag ang bawat pamayanan sa lahat ng pagkakataon.











Comments