Matagumpay na Pagpupulong ng Organizing Committee para sa Boys' and Girls' Week 2025
- Angat, Bulacan
- Jul 23
- 1 min read

Matagumpay na natapos ang pinal na pulong ng mga miyembro ng Organizing Committee para sa Boys' and Girls' Week 2025! Sa pagtitipong ito, pinagtibay ang mga mahahalagang detalye ng programa upang matiyak na magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang ang linggong ito para sa ating mga kabataan. Ang bawat aktibidad ay pinagplanuhan nang mabuti upang mas mapalakas ang kanilang kakayahan, talento, at pag-unlad bilang mga responsableng mamamayan.
Lubos naming inaasahan ang inyong patuloy na suporta at pakikiisa upang maisakatuparan ang layunin ng Boys' and Girls' Week 2025. Sama-sama nating bigyang-halaga ang papel ng kabataan sa ating komunidad at bigyang-daan ang kanilang mas maliwanag na kinabukasan.
Comments